Commuters descending a crowded urban stairway
Construction worker holding a cement bag

About


Ang pasakit ay kailanma’y hindi sukatan ng ating dangal.

Ang Dekunstrukt: Talaghay ay naglalayong bigyang-konteksto ang tibay ng loob, alab ng puso, paghihirap, kagitingan, at pagpupunyagi—mga salitang madalas gawing sandigan ng mga Pilipino upang makayanan ang mga pang-araw-araw na pagsubok. Sa halip na gawing katuwiran ang pagpupunyagi, tinatanong ng isyung ito kung bakit kinakailangang maging matatag at kung hanggang kailan mananatili ang pagdurusa bilang kapalit ng kaayusan.

Next Section >>

Mga maaaring
i-sumite:

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS

Anong klaseng mga litrato ang pwede isumite?

Maaaring magsumite ng mga litrato na naaayon sa tema ng Dekunstrukt: Talaghay. Hinahamon ng isyung ito ang paniniwalang sapat ang lakas ng loob bilang tugon sa isang problemang ang ugat ay sistemiko at patuloy na iniiwasang harapin. Ito’y pwedeng kamakailan lamang kinuha o galing sa iyong archive. Tinatanggap din ang conceptual, street photography, o photojournalism, at iba pang kategorya.

Paper asset for FAQs section
  • Anong klaseng mga litrato ang pwede isumite?
  • Paano magsumite ng mga litrato?
  • Ilang litrato ang maaaring isumite?
  • May mga teknikalidad ba sa litrato na nais sundan?
  • Gaano kahaba dapat ang caption?
  • Hanggang kailan pwede magsumite?
  • Kailan mailalathala ang Dekunstrukt: Talaghay?
  • Paano malalaman kung ang aking litrato ay napili o hindi sa Dekunstrukt: Talaghay?
  • Sinu-sino ang maaaring magsumite?
  • Ano ang pamantayan sa pagpili ng litrato?

Frequently Asked
Questions

Paper asset for FAQs section
Anong klaseng mga litrato ang pwede isumite?
Maaaring magsumite ng mga litrato na naaayon sa tema ng Dekunstrukt: Talaghay. Hinahamon ng isyung ito ang paniniwalang sapat ang lakas ng loob bilang tugon sa isang problemang ang ugat ay sistemiko at patuloy na iniiwasang harapin. Ito’y pwedeng kamakailan lamang kinuha o galing sa iyong archive. Tinatanggap din ang conceptual, street photography, o photojournalism, at iba pang kategorya.
Paano magsumite ng mga litrato?
Upang magsumite, kinakailangang i-upload ang iyong mga litrato sa Google Drive gamit ang iyong opisyal na Benilde mail. Tiyakin na nakasaad sa sharing settings nito na “Anyone in this group with this link can edit.”

Ilagay ang share link nito sa aming submissions form. Siguraduhing sagutan ang iba pang hinihinging impormasyon bago isumite ang form. Ang link ng aming submission form ay nakasaad sa aming social media accounts sa Facebook at Instagram (@thebenildean).
Ilang litrato ang maaaring isumite?
Walang limitasyon sa bilang ng litratong nais isumite. Subalit, kung ang nais ipasa ay isang serye ng mga litrato, hanggang sa apat (4) lamang na larawan ang pinahihintulutan. Maaaring lagyan ng caption ang bawat litrato na isinumite o bawat serye ng mga litrato.
May mga teknikalidad ba sa litrato na nais sundan?
Ang mga litrato ay dapat nasa 1800px at jpeg format. Walang limitasyon sa ratio ng litrato.
Gaano kahaba dapat ang caption?
Lahat ng isusumite ay kinakailangan ng caption na hindi lalagpas sa 50 na bilang ng mga salita, at ito’y dapat nakasaad sa submissions form. Ang caption ay maaaring ipaliwanag kung bakit mo nais ibahagi ang iyong litrato at ang kaugnayan nito sa tema, o kahit anong mensahe.

Kung nais lagyan ng caption sa isang serye ng mga litrato, dapat ito’y nakaayos sa “Litrato #.” Sa submissions form, ito dapat ang nakabahagi:

[Litrato 1]: Ito ang aking caption.
[Litrato 2]: Ang pasakit ay kailanma’y hindi sukatan ng ating dangal.
[Litrato 3]: Kumapit ka lang. Ngunit saan at hanggang kailan?
Hanggang kailan pwede magsumite?
Maaaring magsumite ng mga litrato hanggang sa Marso 18, 2026.
Kailan mailalathala ang Dekunstrukt: Talaghay?
Abangan ang aming susunod na mga anunsyo. I-follow ang aming mga social media accounts upang makakuha ng mga pangunahing balita: Facebook, Instagram, at Tiktok (@thebenildean).
Paano malalaman kung ang aking litrato ay napili o hindi sa Dekunstrukt: Talaghay?
Malalaman ito sa araw na mailalathala ang folio ng Dekunstrukt: Talaghay. Para sa mga anunsyo, i-follow ang aming mga social media accounts sa Facebook, Instagram, at Tiktok (@thebenildean).
Sinu-sino ang maaaring magsumite?
Ang Dekunstrukt: Talaghay ay tumatanggap lamang galing sa mga mag-aaral ng De La Salle-College of Saint Benilde na naka-enroll sa 2nd term ng A.Y. 2025-2026. Sa gayon, kung ika’y naka-Leave of Absence (LOA), hindi ka pwede magsumite sa Dekunstrukt: Talaghay.
Ano ang pamantayan sa pagpili ng litrato?
Ang pinakapamantayan ay ang kaugnayan ng litrato sa tema ng Dekunstrukt: Talaghay. Lahat ng teknikalidad tulad ng pagkamalikhain, komposisyon, orihinalidad, at katangian ay isinasaalang-alang din.

Ang proseso ng pagpili ng litrato ay sinusuri ng Photography Editor, Associate Editor for Print, Creative Director, at Editor in Chief ng Benildean Press Corps.

Submit

Disclaimer

Ang anumang nilalaman na ipinasa sa Dekunstrukt: Talaghay ay magiging pag-aari ng Benildean Press Corps (BPC) at ng Student Publications Unit (SPU). Sa pamamagitan ng kusang pagsumite sa Dekunstrukt: Talaghay, binibigyan ng kontribyutor ang kanilang pahintulot na gamitin ng BPC at SPU ang nasabing nilalaman sa anumang paraan na sa tingin nila ay angkop. Bilang karagdagan, ang lahat ng nilalaman na pinasa ay dapat orihinal na likha ng nagsumite. Kung napatunayang nagkasala ng plagiarism, ang mga lumabag dito ay sasailalim sa mga patakaran at regulasyon ng Kolehiyo.

Sa Dekunstrukt ngayong taon, ang opisyal na pampotograpiyang folio ng mga mag-aaral ng De La Salle-College of Saint Benilde, inaanyayahan ka naming ilantad sa madla ang mga nakasanayan sa araw-araw na puno ng kabalintunaan.

Sa pag-click ng SUBMIT, sumasang-ayon ka sa mga nabanggit na tuntunin at kundisyon. Para sa anumang katanungan, mangyaring makipag-ugnayan kay vincejoseph.guiyab@benilde.edu.ph.

Cancel

Tignan ang aming mga
nakaraang folio:

daybreak

Shades of Gray: Daybreak

tldr

Dekunstrukt: TL;DR

remnants

Horizons: Remnants